ASTRO ishigarets

About Me

.. amf, amf, amf! Ala ako masabi! Peace! \m/
your name:

url:

your message:

April 24th, 2005

Guilty feet have got no rythm

Posted by Trinitian at 02:12 PM on April 24, 2005.

:D~ wala na ako ibang maisip. kaya ganto. hehe. gusto ko pumunta ng gateway, ala lang. pero ala naman ako gagawin. mag dancemaniax nanaman siguro ako ngaun sa alimall. dibale na kahit wala si sean. xD para atleast solo ko yung atensyon ng mga tao. deh, biro lang. hehe. hay. ang init talaga ngaun. summer na kasi. wee. malapit na uli ang tag-ulan. nyahaha. mas masarap un, kasi di ko naman talaga trip magpunta ng beach no! ayoko umitim! :D masaya na kaya ako sa aking skin complexion. kaya no thanks na lang sa sunburn. pero punyeta kasi pupunta pa kami ng beach. ayoko kaya. mas ayus na yung nakakulong ako sa bahay, e nakakapaglaro din naman ako sa labas. badminton + volleyball + dancemaniax + diet = slim me. hehehe. ayus daba? ;p pero ui epektibo din na pampapayat ang swimming. kaso nga lang may kapalit, ung color ng balat mo. yuck. ayaw ko naman maging maitim pagbalik ng school days no! kaya kung magpupunta man sila ng beach, e magpapaka-loner na lang ako sa kwarto kung saan kami e magiistay. boring na talaga, at nakakalungkot kasi graduate na ako ng HS. yung 4 long years of kalokohan mawawala na. wala na yung tropa mo na halos sa lahat ng bagay na lang e ipapahamak ka. kahit nga sa pagkain ipapahamak ka, e. pero kahit na nagkakaroon ng tampuhan mahal mo parin sila. mamimiss ko talaga sila. kaso lang naisip ko kelangan na din ng onting pagbabago sa buhay! ^^ kelangan magsipag dahil ang college life ay serious. well, life itself is serious. gaya nga nung sabi ng speaker namen nung grad, don't pretend to be someone you're not. kelangan ilabas mo kung sino ka talaga. at kelangan daw maging masipag ka. live your dreams! hindi habang buhay e iikot ang mundo mo sa mga fantacies mo. reality bites, but you have to face it. :D kaya ako, magseryoso na talaga ako. kelangan ko makagraduate ng college para naman itigil na ng aking magulang ang kanilang sustento sakin. kasi ako na ang magsusustento sa kanila! tumatanda din ang mga magulang natin at dumadating ang panahon na kelangan na nila mag retire sa trabaho nila. dapat tayu na magalaga sa kanila, kasi matagal din nila tayung inalagaan. isipin mo nga kung ganu kamahal yung tuition fee mo! tsaka sama sama pa un, a? elem + hs + college = really expensive. hehehe. siguro kaya lagi sila busy sa trabaho dahil dun. o naisip mo ba yun? bah malay ko. ako dati di ko naisip un, e. ngaun lang. nyahaha. xD pero di ko talaga mapigilan ang aking mga paa. kelangan pumunta ng alimall. kelangan pumunta sa quantum. kelangan maglaro ng dancemaniax! booya!
Currently listening to: Shine We Are (BoA Kwon)
Currently feeling: happeh wee

2 Naki-slam

April 14th, 2005

No Woman No Cry

Posted by Trinitian at 01:03 PM on April 14, 2005.

She saw him again yesterday. This time, it was her who made the effort to see him. She was crying  earlier this day so she called me up. Although she wasn't talking, she was thinking aloud. "For fuck's sake, why can't I restrain myself from wanting to see him? What is wrong with me?", she was sobbing. I didn't know if the question asked was for me to answer, so I remained silent. I was patient enough to wait for her monologue to finish. Honestly speaking, it was heck long and really disturbing. I wanted to hug her and tell her to stop crying. I wanted her to know that I love her so much because she's my friend. But, somehow, I just couldn't speak out. Last time she was with him, they didn't talk. Atleast not that much. She didn't want to talk about anything during that time. She could still feel the pain. She knew that, but she thought to herself that she was strong and refused to let it show. She was sick and tired of being hurt, so she denied the fact that she is. Apparently, it made people think that she had finally moved on. In retrospect she hasn't, it was just one of her brilliant ideas to spare herself from the humility that this world has to offer her. But yesterday was different. It was definitely one of those days that I would love to curse. I was totally shocked to see a different person. I don't know how, but finally, she managed to ask her former boyfriend how he was. I don't know, but for her, it was really hard to ask him how he has been with his life.

To my dearest, sorry for having been such a useless friend. I wasn't even able to comfort you. Whatever it is that you're doing right now, I hope you're not thinking of him. Narito kaming mga kaibigan mo at handang damayan ka. I know how you feel. I've been through that kind of situation also. It really hurts especially when the person you used to be with would tell you that he's with someone new. Kaya mo yan, sweety. Just don't think of it anymore. Move on. Please. Stop crying over a guy who doesn't love you anymore. Don't you remember Bob Marley's song? Don't shed no tears.

Currently listening to: Only One (Yellowcard)
Currently feeling: sleepy

Slamman tayo

April 8th, 2005

I CAN WRITE

Posted by Trinitian at 07:09 PM on April 8, 2005.

Ang tula na inyong mababasa ay isinulat ni Tere, the shoe shine girl from Recto. Ang paborito niyong mangtataho ng balot sa bawat sulok ng planetang Pluto.

"Si Inday"

Wala ka na bang ibang alam gawin,
maliban sa tumingin ng tumingin?
Maari ba kitang lapitan at tanungin,
kung sino ka at saan ka nanggaling?
Nakatitig ka nga bang talaga sa aking kinakain?
Alin ang gusto mo, yung ulam o yung kanin?
May hawak ka pa man ding manga,
at talagang ako'y iyong napapatawa.
Paano ka kakain niyan ng walang bagoong?
Paumanhin, subalit hindi 'yan isang talong.
Oh, bakit ka biglang napangiti?
Natutuwa ka ba na ika'y naglilihi?
Bakit ka ba napadpad rito,
may dinadalaw ka bang tao?
At may mga kasama ka pa pala!
Isang batalyon kayo ng mga tanga.
Sumagot nga kung sino sa inyo,
ang pumatay sa aso ni Mang Pedro!
Ang bantay nang aming tahanan,
na tila nahulog mula sa kalangitan.
Wala siyang pakpak at di siya lumilipad,
subalit matalino siya at marunong maglakad.
Hindi ko lubusang maisip kung bakit siya ginapos.
Alam kong siya ay maginoo, subalit may pagka bastos.
Nagpapatrolya sa baranggay kahit tinatamad,
umiihi sa poste at rumarampang nakahubad.
Mahal na mahal siya ng aming kapitbahay,
wala silang anak at laging matamlay.
Nung isang araw sinamahan ko sila sa ospital,
tsek-up pa nga lang sila'y napagastos na ng mahal.
Malubha na daw ang kanilang sakit,
tulungan kaya sila ng Diyos nating mabait?
Para sa operasyon kailang nila ng pera,
pero di na kumikita ang kanilang perya.
Sabi ng doktor di na magtatagal ang kanilang buhay,
ilang araw na lang hinihintay para matapos ang hukay.
Ililibing na muli namin ang mga panibagong bangkay,
tiyak na magkakapera nanaman sa sugalan si Inay.
At ako nanaman ang maaiwan upang maglinis ng tahanan.
Makikipaglaro nanaman ang mga daga sa basurahan.
Hindi ko sila hahayaang makatakas,
sa kanila ko uubusin ang aking lakas!
Hahabulin ko sila kahit saan sila tumakbo,
kahit umabot ako sa lungga kung saan sila nagtatago.
Dadaanan ko ang bawat sulok ng poso negro,
tatahakin ko ang daanan nilang madilim at mabaho.
Kaya bigla kong natandaan ang aking pagkabata,
madami akong kaibigan at palagi akong masaya.
Patay na nga nung panahon na iyon si Ninoy,
ngunit nakahanap kami ng bagong liwanag kay Pandoy.
Wala itong kinalaman sa ating gobyerno,
hindi nila kamaganak si Presidente Arroyo.
Hindi ko sadya ang mga kurakot na politiko.
Nais ko lang magsulat ng husto dito.
At ngayon ako'y magpapaalam na,
ubos na ang oras at ako'y mawawala na.
Kailangan ko nang bumalik sa aking katinuan,
bago matulog magpapalit ako ng punda ng unan.
Marahil kayo ay nagtataka kung ano'ng aking pinagsasabi.
Pasensya na po kayo, ganito lang talaga ako pag gabi.
Nung isang araw nga pala may pinakilala si Mimay,
isa siyang babae at pangalan... ay Inday.


Paalala: Hindi po ako gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Lalo naman pong hindi ako nasobrahan sa taho at balot. Wala din po kaming pagkukunan ng madyik mashroom. Hindi rin naman po ako nakakilala ng gwapong lalake ngayon sa Quantum. Nais ko lang subukan ang aking talento. At abah, nakabuo nga ako ng kwento. By the way, I'm not really related to Inday. I just thought of it as a nice name. Angal?

Currently listening to: Her Ghost in the Fog (Cradle of Filth)
Currently feeling: TOTALLY HYPER

39 Naki-slam

« | »